| Artisto: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
| Uzanto: | Ann Jenette Mallari |
| Daŭro: | 130 sekundoj |
| Komenca paŭzo: | 12 sekundoj |
| Tononoma sistemo: | Ne definita |
| Sakra: | |
| Komentoj pri tabulaturo: | - |
I
Patnubay ko ay si Jesus
At kaaliwan ng loob,
Sa anumang aking kilos
Ako ay Kaniyang kupkop.
Koro
Ikaw'y Patnubay ko Jesus,
Sa anumang aking kilos;
Tapat akong taga-sunod
Ng Salita Mong mairog.
II
Kahit na sa kalungkutan
O sa kaligayahan man,
Puso ko'y may kasiyahan
Pagkat Patnubay ko'y Ikaw.
III
At sa wakas nitong buhay,
Yamang Ikaw ang patnubay,
Kahit na ang kamatayan
Ay di ko katatakutan.