Artisto: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
Uzanto: | Ann Jenette Mallari |
Daŭro: | 130 sekundoj |
Komenca paŭzo: | 12 sekundoj |
Tononoma sistemo: | Ne definita |
Sakra: | |
Komentoj pri tabulaturo: | - |
I
Pagmamahal sa akin ni Cristo
Di nagmamaliw, di nagbabago;
Buhay Niya ay inihandog
Nang ako'y matubos.
Kor
Ako ngayo'y kay Cristo,
Si Cristo ay akin;
Kahit pumanaw sa mundo
At langit ay datnin.
II
Buhat sa lusak ng kasalanan
Iniligtas ako nang lubusan;
Ang buhay ko ay hawak Niya
Dahil ako'y Kanya.
III
Sa aking puso'y nag-uumapaw
Ang kagalakan sa bawat araw;
Buhat nang iligtas ni Jesus
Sa ligaya'y puspos.