Artisto: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
Uzanto: | Ann Jenette Mallari |
Daŭro: | 130 sekundoj |
Komenca paŭzo: | 12 sekundoj |
Tononoma sistemo: | Ne definita |
Sakra: | |
Komentoj pri tabulaturo: | - |
I
Nasumpungan ko ang isang tunay na Kaibigan,
At sa banal Niyang pagmamahal puso ko'y tinalian;
Napabuhol sa puso ko'y taling lubhang matibay;
Akin Siya ay ako'y Kanya ngayo't magpakailanman.
II
Nasumpungan ko ang isang tunay na Kaibigan,
Siya ay kusang namatay sa krus upang ako'y mabuhay;
Kaya't ang buong buhay ko kay Cristo iaalay,
Ang puso ko, isip at lakas ay sa Kanya na lamang.
III
Nasumpungan ko ang isang tunay na Kaibigan,
Patnubay at Tagapayo ko, matibay na Tanggulan;
At sa pag-ibig ni Jesus ay di na mawawalay,
Mananatili akong Kanya ngayo't magpakailanman.