Artisto: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
Uzanto: | Ann Jenette Mallari |
Daŭro: | 130 sekundoj |
Komenca paŭzo: | 12 sekundoj |
Tononoma sistemo: | Ne definita |
Sakra: | |
Komentoj pri tabulaturo: | - |
I
Ngalang Jesus papurihan,
Ating luwalhatiin;
Siya ang Hari ng bawat nilalang
At Panginoon natin;
Siya ang Hari ng bawat nilalang,
Dios at Panginoon natin.
II
Si Cristo na Manunubos
Ating luwalhatiin;
Sa trono Niya tayo ay dumulog,
At Siya'y ating purihin;
Sa trono Niya tayo ay dumulog,
At Siya ay ating purihin.
III
Bawat bansa, lipi, wika,
Kay Cristo magpugay;
Sa paanan Niya magpatirapa,
Tao't mga anghel man.
Sa paanan Niya magpatirapa,
Tao at mga anghel man.
IV
At pag tayo ay sumapit
Sa langit na bayan,
Magpupuri tayong walang patid
Sa Dios magpakailanman;
Magpupuri tayong walang patid
Sa Dios magpakailanpaman. Amen.