Artisto: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
Uzanto: | Ann Jenette Mallari |
Daŭro: | 130 sekundoj |
Komenca paŭzo: | 12 sekundoj |
Tononoma sistemo: | Ne definita |
Sakra: | |
Komentoj pri tabulaturo: | - |
I
Tayo'y sumamba sa Haring Banal,
Awitin natin Kanyang pagmamahal;
At Siya ang dakilang Tagapagadya
Ng bawat taong may tiwala sa Kanya.
II
O ipagbunyi ang karangalan
Ng Hari nating makapangyarihan;
Buong kalikasan ay nagbabadya,
Saksi sa ganap na kadakilaan Niya.
III
Hindi masambit, umid ang dila
Sa paghahayag ng Kanyang kalinga;
Katulad ng balong na walang hanggan,
Hindi nagmamaliw Kanyang katapatan.
IV
Taong mahina, lubhang marupok,
Sa Dios na Hari manalig ng lubos;
Kanyang kahabaga'y walang katulad
Hari, mang-aaliw at Tagapagligtas. Amen.