Artisto: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
Uzanto: | Ann Jenette Mallari |
Daŭro: | 130 sekundoj |
Komenca paŭzo: | 12 sekundoj |
Tononoma sistemo: | Ne definita |
Sakra: | |
Komentoj pri tabulaturo: | - |
I
Ating sambahin at purihin ang Dios
Dahil isinugo ang Mananakop;
Ang buhay Niya'y kusang inialay,
Pinto ng langit sa ati'y binuksan.
Koro
Papurihan ang Dios, At sundin Siyang tunay;
Papurihan ang Dios, Tayo'y magkatuwaan!
Lapit sa Ama, sa ngalan ni Cristo,
Yamang sa sala'y tinubos Niya tayo.
II
Tanging ang duso ni Cristo ang lunas
Sa salang sa atin ay nagpahamak;
Ang bawat mananalig nang taimtim,
Patawad ng Dios tunay na kakamtin.
III
Bawat kaloob Niya'y dakilang tunay,
Lalo na nag dulot na kaligtasan;
Ligayang ganap ang matatamasa
Kung si Cristo ay atin nang makita.