Artisto: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
Uzanto: | Ann Jenette Mallari |
Daŭro: | 130 sekundoj |
Komenca paŭzo: | 12 sekundoj |
Tononoma sistemo: | Ne definita |
Sakra: | |
Komentoj pri tabulaturo: | - |
I
Isang gabing kaaya-aya, May awitang napakinggan;
Mga anghel ay nagsasaysay: "Si Cristo ay sumilang!"
"Sa lupa ay kapayapaan," Pasabing sa Dios nanggaling;
Mga pastol ang nakarinig Sa awitan ng anghel.
II
Patuloy na nag-aawitan, Hukbo ng sinugong anghel,
Awit nila ay dinggin ninyo, Mundong sa sala'y himbing;
Kayong nagdurusa nang lubha At labis na napapagal,
Tumatawag ang mga anghel, Sila'y inyong pakinggan.
III
O taong maraming pasanin, Sa sala'y nabibigatan,
At sa landas na tinatahak, Ikaw'y nahihirapan;
Magpahingalay ka na ngayon, Ang sala'y lisanin mo na;
Manalig sa Tagapagligtas, Buhay mo'y liligaya.
IV
Mga propeta ang nagsaad: Sasapit na rin ang araw,
Kaguluhan ay magwawakas Dito sa sanlibutan;
Kapayapaan ang iiral, Sa puso'y magpapasigla,
At ang inaawit ng anghel Ay may katuparan na!