Artisto: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
Uzanto: | Ann Jenette Mallari |
Daŭro: | 130 sekundoj |
Komenca paŭzo: | 12 sekundoj |
Tononoma sistemo: | Ne definita |
Sakra: | |
Komentoj pri tabulaturo: | - |
I
Sanlibutan, magdiwang ka, Ang Hari'y dumatal!
Puso natin ay ibukas upang patuluyin Siya,
Hukbo ng kalangitan, at lahat sa sanlibutan
Panabay na magdiwang at mag-awitan.
II
O magsaya, buong lupa! Purihin si Jesus.
Bukid, ilog at ang burol kasama mong natutuwa;
Kagalakan ay lubos, ang kagalakan ay lubos
Sa pagsilang ngayon nitong Mananakop.
III
Sa kasalanan ng tao Ay may panlunas na.
Dahil sa Tagapagligtas, biyaya ay matatamo;
Pinawi Niya ang sumpa, o pinawi Niya ang sumpa,
O halina at sa Kanya magtiwala.
IV
Si Cristo ay naghahari Puspos ng katuwiran.
Bawat manalig sa Kanya ay di na mapapalungi;
Ang Kanyang pagmamahal sa lahat sa sanlibutan
Ay dakila, pagkadakila ngang tunay!