Artisto: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
Uzanto: | Ann Jenette Mallari |
Daŭro: | 130 sekundoj |
Komenca paŭzo: | 12 sekundoj |
Tononoma sistemo: | Ne definita |
Sakra: | |
Komentoj pri tabulaturo: | - |
I
May kagalakan akong naglilingkod
Kay Jesus na Manunubos;
Puso ko'y payapa't laging may lugod
Sa aking paglilingkod.
Koro
Sa aking paglilingkod
Ang lahat ihahandog;
May tuwa't biyayang dulot
Ang sa Hari'y maglingkod.
II
Kahit may pagsubok na dumaratal,
Tiwasay ang kalooban;
Dahil ang aking pinaglilingkuran
Ay ang Haring marangal.
III
Buhay ko't lakas ngayo'y ihahandog
Kay Jesus na Mananakop;
Nais kong Siya'y dulutan ng lugod
Sa aking paglilingkod.
IV
Si Jesus ang lagi kong kaalakbay,
Siya'y matibay kong tanggulan;
Ang pangako Niya sa aki'y tatanglaw
Bawat oras at araw.