Artisto: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
Uzanto: | Ann Jenette Mallari |
Daŭro: | 130 sekundoj |
Komenca paŭzo: | 12 sekundoj |
Tononoma sistemo: | Ne definita |
Sakra: | |
Komentoj pri tabulaturo: | - |
I
Kalooban Mo, Dios ay sundin,
Sa kamay Mo ako'y hugisin;
Ako'y gawin Mong masunurin,
Ang Iyong nasa'y siyang gawin.
II
Kalooban Mo'y sundin, O Dios,
At siyasatin yaring loob;
Pakalinisin akong lubos,
Ngayong sa Iyo'y dumudulog!
III
Dios, ang gawin ay ang nasa Mo,
Huwag ang sa aking makatao;
Kapangyariha'y nasa Iyo,
Sampung kalinga at saklolo!
IV
Sundin ang Iyong kalooban,
Buhay ko'y Iyong pagharian;
Diwang Banal, ako'y lukuban,
Ng kay Jesus na Kagandahan! Amen.