Artisto: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
Uzanto: | Ann Jenette Mallari |
Daŭro: | 130 sekundoj |
Komenca paŭzo: | 12 sekundoj |
Tononoma sistemo: | Ne definita |
Sakra: | |
Komentoj pri tabulaturo: | - |
I
May awit buhat sa kaitaasan,
Awit na may angking kabanalan;
Siyang inaawit ng sangkatauhan,
Ang paksa'y kay Jesus na pagsilang.
Pag-asa ng bawat makasalanan,
Ang badya'y kaligtasa't tagumpay;
Ang lahat ng tao ay nagdiriwang,
Ang Tagapagligtas ay dumatal!
II
Nang isilang ang Mesyas na dakila,
Nagbunyi halos ang sangnilikha;
Si Jesus na Hari'y nagpakababa,
Isinilang sa sabsabang aba.
Ang sa Dios na pag-ibig at biyaya,
Kay Jesus nahayag ng sagana;
Buhat sa langit nanaog sa lupa,
Alay ay kaligtasan sa madla.
III
Di mapapantayan ng kahit sino,
Kaligtasang alok ng Dios sa iyo;
Langit ay kusang nilisan ni Cristo,
Nagtiis na mamuhay sa mundo.
Buhay Niya'y inialay sa Kalbaryo,
Layon ay iligtas ka at ako;
Papasukin sa puso mo si Cristo,
Iyan ang tunay na diwa ng Pasko.
Papasukin sa puso mo si Cristo,
Iyan ang tunay na diwa ng Pasko.