Teksto
Lyrics muna mga kapatid hinahanap
Ko pa yung Chords 😁😇
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
921 Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim
Sa Dominyon Ng Diyos
Ⅰ
Lahat ng bagay nilikha ng Diyos,
kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang
mapasailalim ng Kanyang paghahari,
at pasakop sa Kanyang kapamahalaan.
Inuutusan Niya lahat ng bagay,
kinokontrol sila sa mga kamay Niya.
Mga buhay na nilalang, kabundukan,
mga ilog at tao dapat
sumailalim sa Kanyang paghahari.
Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa
dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat kailangan magpailalim
nang walang pagpili.
Ito ang atas ng Diyos
at Kanyang awtoridad, awtoridad.
Ⅱ
Lahat ng bagay nilikha ng Diyos,
kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang
mapasailalim sa Kanyang paghahari,
at pasakop sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat ay inuutusan ng Diyos,
Inaayos at hinahanay Niya
ang lahat ng bagay,
bawat klase ayon sa kanyang uri
at sa kalooban ng Diyos
binigyan sila ng posisyon.
Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa
dapat sumailalim sa
Kanyang kapamahalaan.
Lahat kailangan magpailalim
nang walang pagpili.
Ito ang atas ng Diyos
at Kanyang awtoridad, awtoridad.
Ⅲ
Gaano man kalaki ang isang bagay,
hindi nito malalampasan ang Diyos.
lahat naglilingkod sa
mga taong likha ng Diyos,
walang naglalakas ng loob na lumaban
o humingi ng kung anu-ano sa Diyos.
Tao, isang nilalang ng Diyos,
dapat gawin din ang kanyang tungkulin.
Kahit amo o tagapamahala
ng lahat ng bagay,
gaano man kataas ang kalagayan n'ya,
s'ya'y maliit pa rin na tao
sa ilalim ng pamamahala ng Diyos.
Isang hamak na tao lang,
isang nilalang ng Diyos,
'di kailanman s'ya mas tataas
sa Diyos, sa Diyos.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao