Artisto: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
Uzanto: | Dawny C |
Daŭro: | 130 sekundoj |
Komenca paŭzo: | 12 sekundoj |
Tononoma sistemo: | Ne definita |
Sakra: | |
Komentoj pri tabulaturo: | - |
I. Kahit saan pag-utusan Niya, kusa akong susunod;
Sa patag o kabundukan man, lagi nang maglilingkod.
Pagtawag Niya kung aking marinig, puso’y agad tutugon;
Ako’y susunod, kahit na saanman, sa Iyo, aking Panginoon!
Chorus:
Kahit na saan, O Panginoon,
Ikaw ay aking susundin.
Sa dagat, bundok o kapatagan man;
Ika'y ay laging susundin.
II. Pag-ibig Niya’y ipahahayag sa kapwang nalulumbay;
Ang aral Niya ay ihahatid sa taong naliligaw.
O Dios, ang patnubay Mong kay inam sa t’wina’y kailangan ko;
Ang nais Mo ang lagi kong gagawin, laging susunod sa Iyo.
Chorus:
Kahit na saan, O Panginoon,
Ikaw ay aking susundin.
Sa dagat, bundok o kapatagan man;
Ika'y ay laging susundin.
III. Kahit hamak man ang Gawain sa malawak na mundo,
Buong sikap na maglilingkod ako sa Iyo, O Cristo.
Dahil sa ako ay Iyong tunay, puso’y magtitiwala;
At ang nais ko’y ang kagandahan Mo sa buhay ko ay mabadha.
Chorus:
Kahit na saan, O Panginoon,
Ikaw ay aking susundin.
Sa dagat, bundok o kapatagan man;
Ika'y ay laging susundin.